About Us

Tuloy po kayo! Website po natin ito…

Ang LoanSolution.Ph (Pinoy Loan Solution) ay hindi po nagpapautang. Para klaro po sa lahat ito sa una pa lamang.

Ang grupo po namin ay sumusuri sa mga online personal loans and quick cash loans na available ngayon sa atin dito sa Pilipinas.

Makakaasa po kayong maghahatid kami ng mga bagong balita sa inyo tungkol sa mga available na pwede ninyong mautangan!

Susuriin din namin ang interest rates nila… upang sa ganon ay magkaroon kayo ng desisyon kung dapat po ba ninyo ituloy ang pag-apply ng loan o hindi.

Ito ay nagiging advocacy na namin — kasi madami pong mga Pilipino na nangangailangan ng pera sa araw-araw.

Minsan, si Juan Dela Cruz ay magigipit talaga. Paano nalang ang gastos sa pag-araw-araw?

Ang mga nagpapautang ngayon sa internet o online ay tinatawag ng karamihan na loan sharks! Lalo kung ito ay nagpapataw ng mataas na interest.

Ang loan sharks ay talagang nasa dictionary. Ang kahulugan nito ay yung taong nagpapautang kapalit ang napakalaking interest. (Basahin ang kahulugan sa Cambridge Dictionary)

Malaki man ang interest, marami paring mga tao ang umuutang sa mga loan sharks kasi ang proseso ay madali — at ngayon, online na ang transaction.

Kung si Juan ay may valid ID, at may regular na trabaho sa isang pribadong kompanya — seguradong maa-approve siya. Minsan kasi, yung sahod malayo pa pero may kailangan talagang pagastuhan — tulad nalang ng project ng anak at mga emergency na pangyayari.

Ano ang mahalagang papel ng website na ito?

Kami po ay nananaliksik online, upang maghahatid sa inyo ng magandang balita tungkol sa mga pautang.

Oo, ang mga pautang ay magandang balita. Minsan, negatibo tayo dito, pero ang pag-utang ay hindi masama.

Ito ay malaking tulong sa atin — lalo na sa mga panahong wala na tayong malalapitang kamag-anak na pwedeng mahingin ng financial na tulong. Kadalasan din, ang ating mga kamag-anak ay nagigipit rin — kaya ang mga loan sharks ay parang nagiging savior natin.

Pero maraming tao ang galit sa mga loan sharks — kasalanan ba ni loan shark na nababaon ang isang tao sa utang?

Dapat conscious po tayo palage sa ating mga desisyon sa buhay — lalo na kung tayo ay nangungutang. Dapat po itong isipin at pagdesisyonan ng mabuti.

Wala pong pumipilit sa atin na mangutang, tama po naman, hindi ba?

Kaya, kung uutang man tayo, dapat nating isipin kung may pambayad tayo o wala. Kaya nga, kung walang trabaho sa ngayon, o expected na may layoff — huwag uutang kay loan shark.

Ang rason kadalasan kung bakit hindi nakabayad sa due date ay nawalan ng trabaho o nag-layoff. Kung ang pangyayaring ito ay expected na — hindi ang pag-utang kay loan shark ang solusyon.

Lagi nating tandaan na ang interest ni loan shark ay umaabot hanggang langit (nagbibiro lang)… pero talagang mababaon si Juan sa utang kung hindi makabayad agad… sa overdue accounts, minsan nag-i-interest sila ng 2% kada araw…. imagine-nin yan!

Walang patingi-tinging bayad! Oo, hindi tumatanggap si loan shark ng tingi-tinging bayad… ang principal amount kasama ang interest at ibang charges ay kokolektahin ng buo. Minsan, may prolongation, yung nagpapabayad sila ng prolongation fee — pero lumulubo parin ang utang — kaya mas lalong naluluge si Juan.

In short, malaking tulong ang mga online quick cash loans, pero dapat on-time po tayo sa pagbayad upang hindi mababaon sa laki ng interest.

Ang tanong ng karamihan: tama ba na pinapahiya at hina-harass ni loan collector ang taong hindi pa nakakabayad ng utang? Aba! Hindi po — kaya hahanap po tayo ng paraan upang maiwasan ang mga pangyayaring iyan.


Ang mga wikang ginagamit sa blog na ito:

  • English — ang ibang mga posts ay nakasulat sa purong English, pero mas pinasimple para po sa inyo.
  • Filipino / Tagalog — may mga posts o pages na isinulat sa wikang Filipino katulad ng pahinang ito.
  • TagLish — Ito ay mga blog posts na halong Tagalog at English.